Posted in Tagalog Posts

Eks Factor


Sa buhay natin, dumarating tayo sa realisasyon na paano na lang kaya kung kasama pa natin “sila” hanggang ngayon? Mga taong iniwan natin at mga nang-iwan sa atin. Matututunan kaya natin ang mga aral na itinuro sa atin habang nag m move on tayo, kung hindi sila kabilang sa mga taong inikesan mo sa larawang kupas? Ganun din naman ang ginawa nila sa akin nung iniwan ko sila…inikesan din nila ako. Minsan gusto ko silang makita, makausap, mayakap… Kasi hindi naman biro ang inyong pinagsamahan. Kung sa bagong kakilala nga feeling close ako minsan, gasino na lang sa mga taong kasabay kong namulat sa pagharap sa buhay. Sila na naging saksi sa bawat pagsubok na pinagtagumpayan ko. Hanggang sa sinubok kami, at isa sa amin (o minsan parehas) ang kailangang umalis, mang-iwan. Feeling betrayed, hindi kasi ito ang pagkakakilala ko sa samahan namin. Kadami naming pangarap, mga memories na minsan ay kasarap balik-balikan..noon yun, ngayo’y masasaktan ka na lang ‘pag naaalala mo yun, hanggang mabwisit ka na..ayaw mo kasi mag dwell sa nakaraan, pero bahagi sila, o naging bahagi sila.. ng paghubog sa kung sino ka man ngayon.

May mga bagay na intended sigurong tanggapin kahit hindi natin maintindihan.. acceptance ika nga. Masaya ako dahil alam kong past life na kung ano meron kami nuon. Prinsipyo ko sa buhay, kung hanggang saan pwede tayo magkasundo duon ako. It takes two to tango. Gusto ko lang sabihin na nakaka miss din sila. Pero parehas kaming ma-pride, nirerespeto ang space ng bawat isa.

Salamat sa nakaraan. Inikesan ko na kayo, ikesan n’yo na rin ako.

Posted in Tagalog Posts

Eskinita


Binabaybay ko ang maliit na pinitak,

Paglagpas ng sementeryo, aking tinatahak,

Makipot, nakakakilabot,

Sa takipsilim

Kadilima’y pumapalibot.

Umaambon pa kasi

Malamig na hangi’y dumadampi.

Papalapit na ako sa malaking puno ng balite

May maligno daw, dapat magpasintabi

May nagpapakita pang white lady

Ba’t naman kasi iniwan ako ni ate.

Nag-umpisang tumayo ang balahibo ko sa batok

Parang may sumusunod sa akin

Pagtapat ko sa puno ng sampalok

Nakita ko ang sarili ko, galit na nakatingin!

Kapag pala sobra ang takot mo

Hindi ka makakakilos, hihinto ang iyong mundo

Nagkatitigan kami ng aking hunyango

Hanggang sa dilim, siya ay naglaho.

Dalawampu’t limang taon na ang nakaraan

Ang karanasan ko’y parang kahapon lamang

Sa paglaki ko alam kong kasama ko lang siya

At minsan, naglakas loob sa aki’y magpakita.

Posted in COTR Zaragoza, Prose & Poetry, Tagalog Posts

Miss Ko Ang COTR Zaragoza


Practice saturday, timing depende sa availability
Sunduan, rendevous sa Purok 2, bitbit ang instruments, nagmamadali
Collaborate, Pasada, palpak, pasada ulit, ayos na, polish pa
Ayos ng monoblock chairs bago umuwi, baka masermunan ni pastora

Kakaba-kaba sa Opening Prayer
Lilingon-lingon sa dumarating na members
Mapapapalakpak ka sa masayang kwentuhan
Binabati ng matamis na ngiti ang kapatiran

Hanapan ng guitar/bass/mic jack
Tapos humuhuni (grounded kasi as usual) matapos isaksak
Test-mic 1 2 3, praise..praise..praise (whoosh!! sabi ni bro Jojo Bobon)
Flash ng projector, typing songs lineup with a haste!

“Handa na ba tayong magpuri sa Panginoon?”
Tanong ng worship leader, “Amen!” palagi ang tugon
Sa indayog ng makalangit na musika, heart-to-heart talk sa Manlilikha
Walang ibang mahalaga, kundi mapapurihan Siya

Maupo na po ang lahat at ihanda ang kaloob
Sapagkat hindi ako sasamba sa Panginoon ng walang handog (2 Samuel 24:24)
Upang pagpalain lahat ng aking gagawin at naisin
At bilang parangal sa paggabay Niya sa akin

Hinahayag ng pastor ang mensahe ng Panginoon
Tumatalakay sa kabutihan Niya sa atin noon at ngayon
Sa saliw ng hiyawan ng mga bata sa gawing likod
Tahimik na nakikinig ang mga mababait na lingkod

Kaunting announcement para sa susunod na itatalaga
Pulong ng kalalakihan, kababaihan, at prayer meeting kina ate Thelma (madalas)
“To God Be The Glory” hudyat na tapos na
Ang isang masayang araw ng pagsamba

“Ayaw ninyo bang umuwi?” Tanong ni pastora
“Pumara na kayo ng tricycle, tanghaling tapat na!”
Makabili ng hito’t tilapia dun kina sister Myra
Upang matugunan, kumakalam na sikmura

Kainan sa Shell, kung makaka-jackpot duon naman tayo sa ‘control’
Yan ang tropang COTR Zaragoza, rock & roll!
Sosyal tayo minsan, hang-out sa Simplicitea (hindi ako nabubusog duon! haha)
‘Pag super gutom na, sa A1 na lang bumibili

Sa bawat birthday na nauuwi sa pyesta
Sa bawat gathering na nauuwi sa foodtrip, di ba?
Sa bawat dedication, na madalas sigida
Hindi ba’t napakasarap na sa Diyos ay sumamba?

Ako’y nag-abroad para sa pamilya
Malayo man sa inyo, sa puso ko kayo ay mahalaga
Nakikibalita, nakiki-chat, nakiki-browse, nakikisaya
Kagalakan kong lumago kayo sa pananampalataya

Darating ang panahong magkakasama tayong muli
Upang hindi na muling magkalayo, tuluyan akong uuwi
Sa ngayo’y patuloy tayong maglingkod ng walang pagtatangi
Sapagkat sa tulong ng Diyos, tayo ay magwawagi

Marami mang bagyo ang dumating sa ating buhay
Saksi ang COTR Zaragoza sa tinatahak ninyong makikitid na tulay
Hangad naming maka-breakthrough kayo sa anumang pagsubok
Sapagkat sa kamay ng Panginoon, doon tayo nilililok

Sa mga taga-COTR Zaragoza, tayo’y mga cool na born again
Na nagsasaya, lumuluha, nadadapa, nananagumpay – every now and then
Isipin ninyo lagi na tayo’y isang malaking pamilya
Na ang tanging nais, sa paglakad sa kabanalan tayo ay lumigaya

Spread the love, spread the GV (Good Vibes) ‘ika nga
Wag kang mahihiyang i-share ang salita Niya
Corny daw sabi nila, pero hindi naman db?
Pagharap kay Lord, itatanong Niya – “ilan ba sila?” (ang na-share’an mo)

Para sa mga naggugwapuhan at naggagandahan sa COTR Zaragoza
Ang Diyos ang patuloy na magpala at magbigay sa atin ng saya
Sa oras ng pagsubok, tagumpay, gawat, anihan at pyesta (Sta.Cruz, Pantoc, Carmen…)
Magmahalan tayo sa isa’t-isa, gaya ng pagmamahal Niya

Purihin ang Diyos sa ating mga buhay!